-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine government kay UN Special Rapporteur Irene Khan na pagbutihin pa nito ang mga hakbang at inisyatibo para mapalakas pa at mapabuti ang media freedom and security sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng involvement ng mga civil society organizations.

Muling pinagtibay din ng pamahalaan ang dedikasyon sa rights to association and expression, right to life.

Ginawa ng Department of Foreign Affairs ang pahayag sa pagtatapos ng 10-day engagement ni UN Special Rapporteur Irene Khan.

Habang nasa bansa si Khan, nagawa nitong makipag pulong sa 24 government agencies, 10 miyembro ng House of Representatives at pitong miyembro ng Supreme Court.

Sa pamamagitan ng mga makabuluhang pakikipag pulong sa ibat ibang government bodies, media,civil societies naipakita ng Pilipinas na masigla ang demokrasya sa bansa.

Inilabas naman ni Khan ang kaniyang inisyal na ulat at naglabas ng mga rekumendasyon para paigtingin pa ang mmga mekanismo na protektahan ang human rights partikular sa Freedom of Opinion and Expression.