-- Advertisements --
image 489

Namahagi ang pamahalaan ng mahigit P600,000 halaga ng tulong para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima ng ambush laban kay Governor Roel de Gamo sa Pamplona, Negros Oriental.

Ayon sa Presidential Communication Off9ce (PCO), nasa P390,000 dito ay mula sa Office of the Vice President (OVP) habang nakapagbigay naman ng P293,740 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kabuuang assistance, inilaan ang P110,000 para sa burial assistance, P160,000 para sa cash assistance, P70,000 para sa food assistance, P43,740 para sa medical assistance; P140,000 para sa hospitalization assistance, at P160,000 ang ibinigay para sa hospital bills at nagpamahagi din ng food packs sa bawat pamilya.

Binigyan din ang pitong estudyante mula sa pamilya ng mga biktima ng educational assistance o scholarship habang ang iba naman nabigyan ng employment assistance.

Kung magugunita na pinaslang ang Gobernador at walong iba pang mga indibidwal ng mga armadong mga kalalakihan habang namamahagi ang local executive ng ayuda sa kaniyang mga kababayan noong Marso 4.