-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na handang-handa ang gobyerno na harapin ang inflationary pressure habang tumaas ang inflation sa bansa sa 3.4 percent noong Pebrero ngayong taon.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual na bagama’t nangangailangan ng pansin ang pagtaas ng inflation, mahalaga na ang nasabing ulat ay kunin sa mas malawak na konteksto tulad ng sa parehong pandaigdigang at lokal na setting ng ekonomiya.

Sinabi ni Pascual na ang pagtaas ng inflation rate ay nangangailangan ng atensiyon, napakahalaga na maunawaan ito sa loob ng mas malawak na konteksto ng dinamikong pandaigdigang at domestic na kapaligiran sa ekonomiya.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sumipa sa 3.4 percent ang headline inflation rate nuong buwan ng Pebrero na mas mataas kumpara sa 2.8 percent noong Enero.