Nagbigay ang gobyerno ng P4.1 milyon na tulong sa mga pamilyang tinamaan ng matinding tropikal na bagyong Paeng.
Ito ang inihayag ng Malacañang habang patuloy ang pananalasa ng bagyo sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang available na relief fund ng gobyerno ay humigit-kumulang P1.5 bilyon na may P445.2 milyon sa standby funds at quick response fund.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroon ding mahigit P1 bilyon na halaga ng stockpiles na handang ipamahagi.
Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na “manatiling alerto at gawin ang lahat ng pag-iingat upang manatiling ligtas.”
Kabilang sa mga rehiyong sinalanta ng Paeng ay ang Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).