-- Advertisements --

Natapos na ng Marcos administration ang walong buwan na magkakasunod na budget deficit.

Ito ay matapos na magtala ng budget surplus ang gobyerno ng P88-bilyon nitong buwan ng Enero.

Nangangahulugan nito na mas mataas ang revenue na naitala kumpara sa mga nagastos.

Base sa datos ng Bureau of Treasury na mayroong P88 bilyon na budget surplus ang gobyerno ito ay halos doble ng P45.7 bilyon na naitala noong Enero ng 2023.

Huling nagkaroon ng budget surplus ang gobyenro ay noong Abril 2023 na umabot sa P66.8 bilyon.

Ang budget surplus nitong Enero 2024 ay siyang pinakamataas na naitala mula ng magsimula ang Treasury department na bantayan ang cash operations data ng gobyerno noong 1986.