Kinumpirma ni Pang. Bongbong Marcos na magtatayo ang gobyerno ng mga cold storage facilities sa ibat ibang fish port sa buong bansa.
Layon nito matugunan ang kinakaharap na problema ng mga mangingisda dahil hindi tumatagal ang mga huli nilang isda.
Pinangunahan ni Pang. Marcos ang isang sectoral miting kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ginanap sa Malakanyang kanina.
Nais kasi mabatid ng Pangulo kung bakit bumababa ang fishery production sa bansa.
Sa miting, inihayag ng Pangulo na nais nitong makapagpatayo ang gobyerno ng ilang cold storage facilities sa iba’t-ibang fish ports sa bansa bilang tugon sa mabilis na pagkasira ng mga nahuhuling isda ng mga mangingisda.
Batay sa ulat ng BFAR ang kasalukuyang fish spoilage ay nasa 25 to 40 percent dahil sa kakulangan ng post harvest equipment gaya ng blast freezer, ice making machines gaya ng cold storage warehouse at fish landing sites.