Maraming proyekto pa rin ng pamahalaan ang nade-delay sa kabila ng bilyon-bilyong pisong halaga na inilalabas nito bawat taon para bumili ng mga pribadong ari-arian na pagtatayuan ng kanilang mga proyekto.
Batay kasi sa naglabasang impormasyon ay may ilang proyekto pa rin ang pamahalaan na nauunsyami dahil sa right-of-way issues kung saan ang iba ay umabot pa ng korte.
Simula noong 2019 national budget hanggang sa proposed 2021 appropriations ay aabot umano ng P72 million ang inilaan na budget para sa right-of-way acquisition.
Pumpalao naman ng P35 billion ang ginagastos ng gobyerno para sa mga pampublikong proyekto habang P37 billion naman para sa mga transportation projects.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10752 o Right of Way Act, maaaring bumili ang gobyerno ng mga ari-arian na kakailanganin para sa pagtatayo ng kanilang national infrastructure project sa pamamagitan ng donasyon, mnegotiated sale, expropriation at iba pa na alinsunod sa batas.
Paliwanag ni Senator Panfilo Lacson, kailangan munang plantsahin ang right-of-way projects ng gobyerno bago nito simulan ang kanilang infrasturcture projects.
Ikinatuwa din ng senador ang ginawang pagbuo ni Panguloing Rodrigo Duterte na bumuo ng isang task force na mag-iimbestiga sa umano’y korapsyon na nangyayari sa Department of Public Works and Highways (DPWH).