-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng gobyerno na magkaroon ng mental care program para sa mga COVID-19 survivors.

Ito ay dahil naging seryosong problema ang post-recovery struggle ng mga nadapuan ng virus.

Sinabi ni chief implementer ng national task force against COVID-19 Carlito Galvez Jr. na nananatiling mataas ang trauma na nadarama ng mga pasyente.

Marami na rin aniya silang natatatnggap na tawag na dumaranas sila ng mental breakdowns ganun din ang mga kaso ng pagpapakamatay.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga eksperto bilang bahagi ng National Action Plan ng gobyerno.

Lumabas din sa isang pag-aaral ng Lancet Psychiatry journal na isa sa tatlong katao na gumaling na mula sa COVID-19 ay nakakaranas ng neurological o psychiatric diagnostic matapos ang anim na buwan.