Glastonbury
Glastonbury

Tuluyan ng kinansela ang Glastonbury Festival sa United Kingdom para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa organizer na hindi nila kagustuhan na maantala ang nasabing festival.

Ito na sana ang pang-50th anibersaryo ng nabanggit na festival.

Humingi ng paumanhin ang organizers sa mga nakabili ng tickets kung saan puwede naman daw itong gamitin sa susunod na taon.

Habang puwede naman i-refund ang mga tickets hanggang buwan ng Setyembre.

Ang nasabing Glastonbury festival ay isang pinakamalaking music festival sa Europa.