-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Naka-isolate ngayon ang alkalde ng bayan ng Glan sa Sarangani Province matapos na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Si Mayor Yap ay naka-isolate ngayon sa kanyang bahay at sinabi nitong normal at maayos naman ang pakiramdan at hindi nakaranas ng hirap sa paghinga.

Matatandaang si Glan Mayor Vivien Yap mismo ang nagkumpirma na nagpositibo siya sa COVID-19 kasunod ng Facebook live nito.

Kasabay ng kumpirmasyon ay nagpasaring pa ito na mayroong isang Glan official na natuwa na siya’y nagkasakit.

Sinabi nito na tatlong beses siyang sumailalim sa test kung saan ang dalawa ay nagnegatibo ang resulta subalit ng nag-repeat test noong Huwebes ay nagpositibo sa antigen.

Inamin nito na kahit mahigpit itong nag-iingat sa kanyang sarili ngunit nahawaan pa rin kaya’t nananawagan ito sa publiko na palakasin ang resistensya upang makaiwas sa virus.

Sa kabila ng nangyari, patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng Glan mayor sa pamamagitan ng telepono sa tulong rin ng kanyang mga empleyado.