Reading Time: 1 minute

Ibinunyag ni Glaiza de Castro na na-hack ang kaniyang Facebook page.

GLAIZA IG POST
Glaiza IG post

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang Instagram account matapos na hindi na siya makapaglog-in sa kaniyang FB account.

Sinabi ng actress na huwag dapat paniwalaan kung magmensahe man ang gumagamit ng kaniyang account.

Mayroong mahigit 770,000 na followers ito sa Facebook.

Maraming mga followers naman nito sa IG ang nagbigay ng tip kung paano mabawi ang nasabing FB account.