-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng actress na si Glaiza de Castro na ito ay engaged na sa Irish boyfriend nitong si David Rainey.

Isinagawa ang engagement sa Ireland kung saan nagbabakasyon ang 31-anyos na actress kasama ang pamilya ng 31-anyos din na nobyo.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang suot ang nasabing engagement ring.

Binati naman ng kapwa artista nito gaya nina Iza Calzado, Bea Binene, Jolina Magdangal, Jasmin Curtis Smith, Solenn Heussaff, Yeng Constantino at maraming iba pa.

Mahigit dalawang taon ng magkarelasyon ang dalawa kung saan noong Pebrero 2019 ay nagbakasyon ito sa England para ipagdiwang ang ika-30th birthday ng nobyo.