Ibinibenta ngayon sa auction ang gitara ng pumanaw na si Eddie Van Halen.
Ang read, white and black Charvel guitar ay ginawa para sa banda noong 2007-2008 North American Tour.

Kahalintulad ito ng kaniyang sikat na gitarang Frankenstrat o “Frankenstein” na gamit niya ng ilang dekada.

Nagamit ito ng singer noong December 3, 2007 sa KeyArena sa Seattle.
Pinirmahan pa ito ng singer at nilagyan pa niya ng petsa.

Ayon sa Heritage Auctions, kasama ng gitara ang custom na EVH case, pirmadong certificate of authenticity at ang larawan ni Eddie Van Halen na gamit ang gitara.

Inaashan di ng Heritage Auctions na mabebenta ito ng mahigit $20,000. Magsisimula ang bidding ng nasabing gitara sa Nobyembre 14-15.