-- Advertisements --

Tinambakan ng Barangay Ginebra ang Blackwater 119-93 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Philsports Arena.

Nanguna sa panalo ng Gin Kings si Christian Standhardinger na nagtala ng 27 points, anim na rebounds at limang assists.

Nag-ambag naman ng 25 points si Jamie Malonzo habang mayroong 22 points si Justine Brownlee.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na ang kanilang panalo ay tila pagbawi sa nakaraang matinding pagkatalo nila sa kamay ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots noong nakaraang mga araw.

Nasayang naman ang nagawang 14 points at 10 rebounds ni Shawn Glover para sa Bossing na ito na nag pang-anim na sunod na talo nila.