-- Advertisements --
Tinalo ng Barangay Ginebra ang TNT Tropang Giga 86-78 sa Christmas Day game ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si dating PBA Most Valuable Player Scottie Thompson na mayroong 12 points, pitong rebounds at pitong assists habang mayroong 22 points at 10 rebounds naman si Christian Standhardinger at 15 points at 12 rebounds naman si Tony Bishop.
Dahil sa panalo ay tiyak na sa quarterfinals ang Ginebra na katabla nila ang Beermen sa ikaapat na puwesto.
Nasayang naman ang nagawang 27 points at limang rebounds nia Calvin Oftana.