-- Advertisements --

Nalusutan ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine Elasto Painters 107-102 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Naging susi sa panalo ng Gin Kings si Maverick Ahanmisi ng maipasok ang three points sa natitirang 54 segundo ng laro.
Nagtala ito ng 21 points, 12 rebounds at siyam na asssists.

Mayroon namang 25 points si import Tony Bishop habang 19 points kay Christian Standhardinger at 13 points ang nagawa ni Japeth Aguilar.

Umabot pa ng 13 points ang lamang ng Ginebra subalit nahabol it ng Rain or Shine at nakalamang sila 100-99 sa last quarter.

Ikinatuwa naman ni Ginebra coach Tim Cone ang tagumpay na pagtutulungan ng kaniyang mga manlalaro para manalo.