-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang Converge FiberXers 115-96 sa PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.

Bumida sa panlao ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 25 points habang mayroong 17 points, 8 rebounds at apat na assists si Jamie Malonzo.

Nagtala rin ng 16 points, pitong rebounds at dalawang blocks si Japeth Aguilar habang mayroong 13 points si Christian Standhardinger.

Dominado ng Gins ang laro hanggang sa last quarter ay nalimitahan lamang nila ng puntos ang FiberXers.

Mayroon ng siyam na panalo at tatlong talo ang Ginebrat habang ang Converge ay mayroong walong panalo at apat na talo.

Nasa pangalawang puwesto ang Ginebra kasama ang Magnolia at ang Converge ay nasa pang-apat na puwesto.