-- Advertisements --

Solo na ngayon ng Barangay Ginebra sa number 1 spot matapos talunin nila ang TNT Tropang Giga 85-79.

Bumandera ang ginawang 28 points at 12 rebounds ni Stanley Pringle habang mayroong 15 points at 8 assists naman si LA Tenorio.

Dahil dito ay solo na ng Ginebra ang unang puwesto na mayroong pitong panalo at dalawang talo habang ang TNT ay mayroong anim na panalo at tatlong talo.

Hindi naman inasahan ni Ginebra coach Tim Cone na inalat ang TNT sa shooting kaya sinamantala nila ito.