-- Advertisements --
Nananatiling nasa top 4 spot ang Barangay Ginebra matapos malusutan ang North Port Batang Pier 103-93 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Tony Bishop na nagtala ng 26 points , 16 rebounds at dalawang assists habang mayroong seven points at pitong rebounds si Scottie Thompson na inilabas sa court matapos magtamo ng injury sa kaniyang daliri.
Ang panalo ay isang ginhawa kay Ginebra coach Tim Cone dahil sa napanatili nila ang twice to beat advantage nila.
Pinuri nito ang kaniyang manlalaro dahil sa sakripisyo na ipinakita para magwagi sa laban.