-- Advertisements --
Tinalo ng Barangay Ginebra San Miguel ang Magnolia Chicken Timplados 87-77 sa kanilang paghaharap sa Easter Sunday Classico na ginanap sa Araneta Colisem.
Nanguna sa panalo ng Gins si Japeth Aguilar na may 16 points, siyam na rebounds at tatlong assists.
Habang mayroong 17 points si Stanley Pringle, 16 points naman si Mav Ahanmisi at tig-11 points sina Jamie Malonzo at Christian Standhardinger.
Ayon kay Ginebra coach Tim Cone na isang malaking kaginhawaan ng magwagi sila dahil hindi biro ang ginawa nilang paghabol sa puntos sa third quarter.
Nasayang naman ang nagawang 17 points at tatlong rebounds ni Ian Sangalang habang mayroogn 15 points at 10 rebounds si Jio Jalalon at 12 points si Paul Lee.