Nakamit ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best of seven PBA 50th Season Commissioner’s Cup finals laban sa TNT Tropang Giga 102-100.
Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee matapos maipasok niya ang game-winning shot sa harap ng Chris McCullough sa loob ng 0.6 segundo.
Maituturing din na record breaking ang nanood sa Big Dome kung saan mayroong 11,447 fans ang nanood.
Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na nawalan sila ng control sa laro pagpasok ng last quarter subalit nabawi ito sa ipinakitang depensa ng kaniyang mga manlalaro.
Nagtala naman ng 24 points, pitong assists si RJ Abarrientos habang mayroon 23 points, apat na rebounds at walong assists.
Nasayang naman ang nagawang 25 points at 14 rebounds si McDullogh at 22 points ni RR Pogoy para sa TNT Tropang Giga.
















