-- Advertisements --

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best-of-five semifinals laban sa San Miguel Beermen 121-112 ng PBA Governors’ Cup sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.

Hawak pa ng Beermen ang kalamangan na 15 points sa third quarter hanggang nagtala ng 7-0 run ang Ginebra.

Nakontrol ng Ginebra ang laro 102-95 sa natitirang 8:55 ng last quarter sa pamamagitan ng three points ni Jamie Malonzo.

Bumida sa panalo si Christian Standhardinger na mayroong 33 points at 10 rebounds habang mayroong 27 points si Malonzo.

-- Advertisement --

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na kinabahan ito ng mahawakan ng Beermen ang kalamangan sa third quarter.

Nasayang naman ang nagawang 26 points ni Cameron Clark at 23 points si CJ Perez at 20 points naman kay Marcio Lassiter para sa Beermen.