-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makapasok sa finals ng PBA Governors’ Cup matapos maisahan ang San Miguel Beermen 121-103 at makuha ang 2-0 na kalamangan sa best of five semifinals.
Hawak ng Ginebra ang kalamangan mula sa simula ng laro kung saan lumubo pa ng 24 points ang kanilang lamang.
Nanguna sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 32 points, 10 rebounds at pitong assists habang mayroong 32 points, walong rebounds at pitong assists si Christian Stanhardinger.
Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Cameron Clark at 20 points ni CJ Perez para sa Beemen.