-- Advertisements --
Pinahiya ng Barangay Ginebra ang Converge 120-101 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup sa Philsport Arena.
Nagtala ng career-high 29 points si Jamie Malonzo habang mayroong tig-28 points sina Christian Standhardinger at Justin Brownlee.
Ipinagmalaki ni Ginabra coach Tim Cone ang panalo lalo na at nakapagtala ng mahigit 20 points ang nabanggit na mga manlalaro.
Dahil dito ay mayroon ng pitong panalo at dalawang talo ang Ginebra na pasok na sa playoffs habang ang FiberXers ay mayroong anim na panalo at limang talo.