-- Advertisements --

Hindi pinalusot ng Barangay Ginebra ang Phoenix Super LPG 102-92 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang Ginebra sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Mayroong limang manlalaro ang nagtala ng double digits na score sa pangunguna ni Jamie Malonzo na mayroong 17 points at 10 rebounds habang mayroong 12 points ang rookie na si Ralph Cu.

Sa unang dalawang quarters ay hindi lumalayo ang puntos ng Ginebra hanggang sa pagpasok ng third quarter.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone na sa simula ay tinatanya pa ng kanilang shooters ang laro hanggang makuha ang tamang timplada sa pagpasok ng second half.

Malaking hamon din sa Gin Kings dahil sa hindi paglalaro ni Scottie Thompson dahil sa injury.

Nasayang naman ang nagawang 14 points ni Jason Perkins at 10 points ni Javee Mocon para sa Phoenix.