-- Advertisements --
Nakuha ng Barangay Ginebra ang 2-1 na kalamangan kontra TNT Tropang Giga 117-103 sa kanilang best-of-seven finals sa laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo si Justin Brownlee na nagtala ng 29 points habang mayroong 27 points si Jamie Malonzo at 22 points naman ang nagawa ni Stanley Pringle.
Mayroong kabuuang 18 three points ang naitala ng Ginebra na itinuturing na franchise record para sa single game.
Pinuri naman ni Ginebra coach Tim Cone si Pringle na siyang umalalay kay Brownlee.