-- Advertisements --

Ikinalugod ng pamunuan ng Department of Migrant Workers ang naging pagtulong ng UAE Immigration sa mga Overseas Filipino Worker sa ilalim ng pagpapatupad nito noon ng 2024 UAE Amnesty Program.

Ayon kay DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ang ipinamalas na suporta ng UAE ay nagpapatunay lamang ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at UAE.

Malaki rin aniya ang naging tulong nito para mapa-uwi ng Pilipinas ang nasa 1,208 OFWs kasama ang kanilang mga pamilya.

Kumpiyansa ang kalihim na magpapatuloy ang epektibong pagtutulungan na ito ng dalawang bansa.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng pagbisita nito sa Dubai para sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Binisita rin nito ang mga biktima ng sunog sa Al Barsha at mga OFWs na naka detain doon kabilang na ang mga undocumented Filipinos.

Nakatulong ang 2024 UAE Amnesty Program para magkaroon ng pag-asa ang mga undocumented na mga Pilipino sa UAE kung saan ay matagumpay itong ipinatupad mula Setyembre hanggang December ng nakalipas na taon.

Tiniyak ng DMW, na magpapatuloy ang kanilang mandato ng pagbibigay ng tulong at serbisyo sa lahat ng OFWs sa buong mundo.