-- Advertisements --
Gumastos umano ng halos P2 million ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani sa bigong pagtakas ng mga ito.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, sa eroplano pa lang ng Seletar Jet Charter, naglaan na ang magkapatid ng $37,000 o katumbas ng P1.850 million.
Nabatid na nakabase sa Singapore ang kompaniya ng eroplanong kinuha ng mga ito para makalabas ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Davao to Kuala Lumpur, Malaysia route.
Pero matapos ma-detect ang magkapatid, sa paliparan na mismo sila dinampot ng Senate sergeant at arms.
Ang dalawa ay matataas na opisyal ng Pharmally na responsable sa kinikwestyon multi-billion medical supply deal sa PS-DBM noong kasagsagan ng pangangailangan ng mga kagamitan ng ating frontline health workers.