-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang babae matapos magpakamatay sa Brgy Sampaguita, San Antonio, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Emily Pasia Magpantay, 53-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na natagpuan na lamang ni Rommel Magpantay ang kaniyang ina habang nakabigti sa cieling ng kaniyang kwarto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na nakakaranas ng depresyon ang naturang biktima.

Samantala, sinubukan pa sanang dalhin sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa insidente.