-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Personal na humingi ng tulong sa Bombo Radyo Cauayan ang isang ginang na residente ng Amobocan, Cauayan City dahil walang sapat na perang pambayad sa hospital para mailabas ang kanyang nakuryenteng anak.

Sa exkluisibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Felisa Asuncion ina ng batang na kuryente, sinabi niya na June 26, 2022 pa nang ma-admit ang kanyang anak sa isang pagamutan sa lunsod dahil sa pagkakuryente nito nang umakyat sa poste ng kuryente.

Nasa isang linggo na rin ang nakalipas nang sabihin ng ospital na maari ng umuwi ang pasyente subalit wala silang sapat na perang pambayad sa hospital bill.

Payag din naman aniya ang ospital na lumabas na sila kahit kulang pa ang bayad basta lamang mayroon silang maibigay na collateral ngunit wala naman silang mga ari-arian.

Bagamat may mga nauna nang nagpaabot ng tulong pinansiyal ay kulang pa rin ito kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa Bombo Radyo Cauayan upang manawagan sa mga may mabubuting puso na nais tumulong upang makalabas na ang kanyang anak.

Maliban sa pag text sa kanyang numero ay maari ring dalhin na lamang sa himpilan ng Bombo Radyo Cauayan ang tulong.