-- Advertisements --
Nalusutan ng Gilas Womens basketball team ang Chinese Taipei 92-81 sa nagpapatuloy na FIBA Women’s Asia Cup.
Ang nasabing panalo ay naging mahalaga dahil sa nailagay ang Gilas Women sa play-in stage at naiwasan nila ang tuluyang matanggal.
Susunod na makakaharap nila ang nasa pangalawang puwesto ng Group A sa semifinal slot.
Nanguna sa panalo si Vanessa De Jesus na nagtala ng 25 points at apat na assists habang mayroong 18 points at 10 rebounds si Afril Bernardino at 16 points at 15 rebounds naman si Jack Animan.