-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas womens basketball team sa laban sa New Zealand 83-78 sa FIBA Women’s Asia Cup Division A semifinal qualification na ginanap sa Sydney, Australia.

Hindi na naulit ng Gilas womens ang makasaysayan nilang panalo kontra sa Chinese Taipei nitong Miyerkules.

Mayrong 10 points na hinahabol ang ranked 42 na Gilas sa first half hanggang nailapit nila ito 69-68 sa pagpasok ng last quarter.

Hindi naman nadismaya si head coach Pat Aquino sa kanilang pagkatalo dahil sa nasabing laban ay nagpapakita lamang na kayang- kaya na nilang makipagsabayan sa mga malalakas na koponan.

Ito na aniya ang pinakamalakas na koponan na kanilang nakaharap mula ng ma-promote sila sa Division A noong 2015.

Naniniwala ito na sa muli nilang paglalaro ay magiging malakas na sila dahil sa mga napagdaanan nilang mga laban.

Nasayang naman ang nagawang 15 points, walong rebounds, dalawang assists, dalawang steals at dalawang blocks ni Afril Bernardino habang si Jack Amimam ay mayroong 14 points at 11 rebounds.