Handa ang Gilas Pilipinas women’s national basketball team na bumiyahe mamayang gabi patungong Jordan para sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup.
Ayon kay Ryan Gregorio, Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president, ang delegasyon ay kinabibilangan ng 12 players at pitong staff.
Makakaharap ng Gilas ang No. 3 na Australia, No. 7 na China at No. 34 na Chinese Taipei sa group phase Division A.
Kabilang sa mga players ang mga beteranong sina Afril Bernardino and Janine Pontejos na inaasahang mangunguna sa koponan.
Kasama pa rito sina Andrea Tongco, Ria Nabalan, France Mae Cabinbin, Khate Castillo, Clare Castro, Mar Prado, Ella Fajardo, Camille Clarin, Kristine Cayabyab at Karl Ann Pingol.
Ang pitong staff naman ay kinabibilangan nina coach Patrick Aquino, assistant coaches Julie Amos at Jose Ramos Garcia at trainer Paolo Gorospe.
Maliban sa kanila kasama rin sa tema sina Dr. Jessie Lazaro, team doctor, Rassel Urag (PT) at Leonardo Felisilda (Utility).
Ang team ay nagsagawa ng training camp sa Lipa, Batangas bilang paghahanda sa kompetisyon.