-- Advertisements --
justin brownlee

Inapula ng Jordan ang mainit na paghahabol ng Gilas Pilipinas para maitakas ang 87-62 panalo at direktang tiket sa quarterfinals ng 2023 Asian Games.

Sinikap ni Justin Brownlee na dalhin ang team sa panalo sa pagkamada ng 24 points, subalit nabigo ang Gilas na makumpleto ang paghahabol dahil sa matinding depensa at opensa ng Jordan.

Sa pangunguna ni Rondae Hollis-Jefferson, ipinakita ng mas malalaking Jordanians ang kanilang lakas sa loob ng shaded lane upang kunin ang 42-29 kalamangan sa first half.

Humabol ang Gilas sa third quarter sa likod ni Brownlee ngunit nanalasa sina Hollis-Jefferson at Fadi Mustafa upang maitala ng Jordan ang 13-0 run na kartada.

Ang Gilas ay galing sa 87-72 panalo laban sa Thailand noong Huwebes, habang nasungkit ng Jordan ang No. 1 seed hawak ang 3-0 kartada.

Sa kabuuan, ang Gilas ay may dalawang panalo at isang talo.

Buhay pa ang pag asa ng pambansang koponan para makaabot ng second round, kung saan ay ang bansang Qatar ang makakaharap sa classification games, at kung sakaling manalo naman ay ang Iran ang makakalaban sa quarterfinals.