-- Advertisements --
Nakabawi ang Gilas Pilipinas mula sa pagkatalo nila sa unang laro ng King Abdullah Cup matapos talunin ang Kingdom of Saudi Arabia 77-62.
Naging bida sa panalo si Justine Baltazar na nmayroong 16 points habang mayroong 10 points, anim na rebounds at dalawang blocks si Angelo Kouame, 10 points naman an ginawa ni Isaac Go habang eight points ang nagawa ni Dave Ildefonso.
Umabot sa 24 points ang naging kalamangan ng Gilas hanggang napababa ito ng Saudi 43-30 sa halftime.
Ang panalo ay tila pagbawi nila noong nakaraang Lunes ng talunin sila ng Egypt 73-60.