-- Advertisements --
Umangat ang world ranking ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA.
Base sa world ranking na inilabas ng FIBA nasa pang-30 puwesto na ang Gilas Pilipinas Women.
Ito ay mas mataas kumpara ranked 39 mula pa noong Agosto 2025.
Sa ginanap na FIBA Women’s World Cup Qualifying tournament noong nakaraang linggo ay nagtapos sa isang panalo at apat na talo ang national team.
Isa sa makasaysayang tinalo nila ang Colombia na nasa World Number 19.
















