-- Advertisements --

Nagtapos sa ikatlong puwesto ang Gilas Pilipinas U18 women’s team matapos talunin ang Samoa 84-68 sa Division B ng 2022 FIBA U18 Women’s Asian Championship na ginanap sa India.

Sa pagtatapos ng first half ay hawak ng Samoa ang kalamangan 31-41 subalit sila ay nakabangon.

Umabot pa sa 28 points ang naging kalamangan ng Gilas Girls sa third quarter.

Nanguna sa panalo ng Gilas Women’s si Sumayah Sugapong na nagtala ng 27 points, siyam na rebounds at anim na assists habang si Louna Ozar ay mayroong 15 points at 14 points naman si Krisan Geyl.