-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng FIBA Under-16 Asian Championship ang Gilas Pilipinas U-16 national team.

Tinalo kasi nila ang Kazakhstan 83-60 sa laro na ginanap sa Doha, Qatar.

Limang manlalaro ang nagtala ng double figures na pinangunahan ni Lorenzo Competente na mayroong 15 points, Jacob Bayla na mayroong 13 points, nine rebounds at anim na steals habang mayroong tig-12 points si Kristian Porter at Zain Mahmood habang 11 points naman ang naitala ni Alexander Konov.

Sa unang bahagi ng laro ay hawak ng Gilas ang kalamangan kung saan umabot pa sa 26 points ang kanilang lamang sa last quarter.

Makakasama nilang pasok na rins a quarterfinals ang Australia na wala pang talo 3-0 sa Group A.