-- Advertisements --

Nagtapos sa pang-pitong puwesto ang Gilas Pilipinas Under 16 sa FIBA U16 Asia Championship.

Ito ay matapos na talunin nila sa Iran 97-87 sa classification game ng torneo na ginanap sa Qatar.

Nakalamang pa ang Iran 48-39 sa pagtatapos ng first half at pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Gilas Pilipinas U-16.

Nagtala ng 29 points ang Gilas at nakuha ang 68-63 na kalamangan.

Nanguna sa panalo si Alexander Konov na mayroong 18 points habang mayroong 15 points si Caelum Harris.

Nag-ambag naman ng 13 points si Jared Bahay at 11 points si Zain Mahmood.