-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Malaysian national team 94-49 sa kanilang unang laro sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Bumida panalo ng Gilas si Brandon Ganuelas-Rosser na nagtala ng 15 points, limang rebounds at isang block.

Habang mayroong 11 points, apat na rebounds at dalawang steals.

Mula simula ay dominado ng Gilas Pilipinas at hindi kailanman pinalamang ang Malaysia.

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes na naging maganda ang ginawa niyang paghamon sa first group ng koponan na hindi papormahin ang kanilang kalaban.

Nagkaroon pa ng hamon para sa Gilas ang laro dahil sa nagtamo ng strain calf injury ang isa nilang manlalaro na si Calvin Oftana.

Isa sa itinturing na matinding kalaban nila ay ang host country na Cambodia dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng anim na naturalized players na kinabibilangan nina Sayeed Pridget, Brandon Peterson, at Darrin Dorsey na pawang nakakuha ng gold medal sa 3×3 tournament.