-- Advertisements --

Target ng Gilas Pilipinas na makasama si Kai Sotto para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Basketball Australia para hiramin si Sotto.

Nasa ikalawang taon na kasi si Sotto sa Adelaide 36ers sa Australian National Basketball League kung saan siya ang maaaring makatulong sa Gilas dahil sa kawalan ni June Mar Fajardo bunsod ng injury.

Ang Gilas ngayon ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo na unang makakaharap nila ang Jordan sa Amman sa darating na Nobyembre 10 habang makakaharap ang Saudi Arabia sa darating na Nobyembre 13 .

Nakatakdang bumiyahe ang national basketball team ng bansa sa Jordan sa darating na Nobyembre 7.