-- Advertisements --

Labis ang papuri ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao sa rookies ng koponan sa kabila ng kanilang pagkatalo kontra Italy sa Fiba World Cup kagabi, 62-108.

Pinuri ni Guiao ang pagpapakitang gilas nina CJ Perez at Robert Bolic sa 46-point beatdown ng Gilas kontra Italy.

Sa naturang laro, nagtapos si Perez na may 15 points, kagaya ng best performer ng koponan kagabi na si Andray Blatche.

Nagpamalas din ng kakaibang enerhiya sa loob ng court si Bolick, ang pinakabatang manlalaro ng koponan sa edad na 23-anyos.

Subalit tila hindi maipinta ang kanilang mga mukha pagkatapos ng laro dahil sa kanilang pagkatalo kontra Italy.

Sa simula pa lamang kasi ay hindi na makuha ng Gilas ang ninanais na ritmo sa laro.

Ilang turnovers ang kanilang nagawa at marami ding nagmintis na tira mula sa three-point line.

Naging bentahe sa Italy ang dipensa ng koponan, dahilan kung bakit maaga silang nakapagtala ng lamang.