-- Advertisements --

Nakakuha na ng slot para sa 2020 FIBA Olympic Qualifying Tournament ang Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos na umatras ang New Zealand sa nasabing kumpetisyon.

Ayon sa FIBA nagdesisyon ang New Zealand na hindi na sumali sa Olympic Qualifying Tournament na gagawin sa Belgrade, Serbia dahil sa pagdami ng mga kumpetisyon na magiging magastos sa parte nila sa pagpadala ng kanilang manlalaro.

Nakatuon na lamang ang atensiyon nila sa Asia Cup, World Cup at 2024 Olympics.

Kaya napili ng FIBA na isama ang Pilipinas sa OQT sa Serbia ay dahil sa ranking ng bansa sa Asia-Oceana region sa men’s world ranking.

Nasa pang-anim na puwesto ang Pilipinas sa Asia-Oceana region na pinangungunahan ng Australia, Iran, New Zealand, China at Korea.

Makakasagupa ng Gilas sa Belgrade ang Group A na Dominican Republic, Serbia at sa Group B ay ang Puerto Rico, Italy at Senegal.

Ang apat na best team na nangibabaw sa lahat ng OQT ay ang Lituhuania, Croatia, Canada at Serbia na abanse na sa Tokyo para sa Summer Games.