-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup.

Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis.

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong injury nito.

Nasa Group D kasi ang Gilas kasama ang Lebanon, India at New Zealand kung saan unang makakaharap nila ang India sa Hulyo 15 sa laro na gaganapin sa Jakarta.

Magugunitang inanunsiyo ng Gilas ang mga manlalaro na kalahok sa nasabing torneo na pinamumunuan ng team captain Thirdy Ravena, Will Navarro, Carl Tamayo, LeBron Lopez, SJ Belangel, Geo Chiu, Kevin Quiambao, RayRay Parks, Kiefer Ravena at Poy Erram.