-- Advertisements --

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Lebanon 107-96 sa kanilang paghaharap sa FIBA Basketball World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena.

Dominado ng Gilas ang laro kung saan sa unang pagsabak ni Justin Brownlee ay nagtala ito ng 17 points habang mayroong 15 points si Jamie Malonzo at 13 points naman ang naitala ni Mason Amos.

Nag-ambag naman ng tig-10 points sina Jordan Heading at Ray Parks.

Naging kuntento naman is Gilas coach Chot Reyes sa ipinamalas na opensa ng koponan.

Tila nakabawi ang Gilas sa pagkatalo nila sa Lebanon noong nakaraang Agosto 85-81 ganun din ang laban nila sa FIBA Asia Cup sa Jakarta 95-80.