-- Advertisements --
Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapin sa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.
Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang South Korea sa Hunyo 16, 2021.
Susunod na makakalaban nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20.
Maghaharap naman ang South Korea at Indonesia sa June 17, habang kakaharapin ng Thailand ang South Korea sa June 19 at babanggain ng Thailand ang Indonesia sa June 20.
Magugunitang nasa Group A ang Gilas na kasama ang nasabing mga karibal na bansa.