-- Advertisements --

Ganap nang Tropical Depression Maymay ang low-pressure area (LPA) na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong ang sentro ng Tropical Depression Maymay sa layong 130 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Bacnotan, La Union.

Taglay ng bagyo ang hanging may lakas na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 70 kilometro kada oras, habang kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Dahil dito nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang lalawigan sa Northern at Central Luzon, kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at mga bahagi ng Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, Isabela at Quirino.

Inaasahang magla-landfall ang Tropical Depression Maymay sa Ilocos Sur o La Union sa Miyerkules ng hapon o gabi.

Samantala, patuloy ding mino-monitor ng PAGASA ang bagyong may international name na “Dolphin,” na nananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 1,970 kilometro ng East Northeast ng Extreme Northern Luzon.