-- Advertisements --
gilas PH team jordan clarkson

Ilang oras bago ang game time, inanunsiyo ngayon ng coaching staff ng Gilas Pilipinas ang magiging 12-man lineup laban sa national team ng Saudi Arabia.

Kabilang sa bago mukha ng Team Pilipinas ay si Roosevelt Adams bilang kanyang debut upang palitan si Carl Tamayo.

Ang UAAP star kasi na si Tamayo ay sumama muna sa kanyang UP team patungong Korea.

Si Adams naman ay free agent at dating PBA No. 1 draft pick.

Ang iba pang Gilas line up ay sina NBA star at Fil-Am Jordan Clarkson, Kai Sotto, Dwight Ramos, Bobby Ray Parks, magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzot, Chris Newsome at Calvin Oftana.

Samantala hangad ng Gilas Pilipinas ay magpakitang gilas sa harap ng home crowd mamayang alas-7:00 ng gabi upang makabawi sa pagkatalo sa powerhouse team na Lebanon.