Babandera ang mga pangalan nina naturalized center Ange Kouame, Dwight Ramos at Kiefer Ravena sa nakatakdang tune-up games ng Gilas Pilipinas laban sa South Korea.
Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na gaganapin ang nasabing tune-up games sa darating na Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Korea.
Makakasama nila si Carl Tamayo ng University of the Philippines, Dave Ildefonso, SJ Belangel at Geo Chiu ng Ateneo at Rj Abarrientos, Francis Lopez at Will Navarro ng Far Eastern University.
Isinama rin ang mga baguhang manlalaro na sina Rhenz Abando ang NCAA Most Valuable Player ng Letran at Kevin Quiambao.
Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng paghahanda na rin ng Gilas para sa ikatlong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Huling nagharap ang South Korea at Gilas Pilipinas ay noong Hunyo 2021 sa FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nanalo ang National Basketball team ng dalawang beses.










