-- Advertisements --

Bigong makausad sa susunod na round ang Gilas Pilipinas 3×3 matapos talunin ng New Zealand sa semifinals ng FIBA 3×3 na ginanap sa Singapore.

Nanalo ang New Zealand sa score na 21-13.

Nagkaroon ng fast start ang New Zealand at naiposte ang 8-4 lead.

Sinubukan ni Gilas na makapuntos sa two-point area pero nahirapan ang mga ito.

Nagbigay pa ng pag-asa sa Pilipinas ang two-pointer ni Samboy de Leon at naitala ang 16-10 na score.

Pero sa nalalabing 4:41 ay muling umiskor ang New Zealand at nakontrol ang laro sa score na 18-10 at hindi na nakahabol ang Gilas.

Makakalaban naman ng bansa para sa bronze medal kapag nakalaro ng mga ito ang natalo sa isa pang semifinal sa pagitan ng Australia at China sa third-place game.

Una rito ay tinalo ng Gilas ang Top seed na Mongolia sa score na 21-20.